Patay ang 23 katao sa nasunog na school bus sa Thailand nitong
Martes.
Ayon sa mga awtoridad, sakay ng naturang bus ang mahigit
40 na estudyante at mga guro para sa isang field trip nang ito’y masunog habang
bumbiyahe palabas ng Bangkok, Thailand.
Nakilala naman ang 23 na mga indibidwal na nasawi habang
patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ukol sa nangyari.
Ipinahayag ni Transport Minister Suriya
Juangroongruangkit, kasalukuyang ginagamot sa ospital ang 16 na mga estudyante
at tatlong mga guro na kasama sa mga sakay ng bus.
Sinasabing mabilis na kumalat ang sunog sa nasabing
school bus at naniniwala umano ang mga awtoridad na nagsimula ito sa isang
spark mula sa gulong na nagsindi sa gas cylinder na nagpapaandar sa sasakyan.
Samantala, napag-alaman na nasa isang field trip ang mga
estudyante mula sa probinsya ng Uthai Thai na may layong 250-km north sa sentro
ng Thailand.
0 Comments