LALAKI, NAMATAANG NAGPA-PADDLE SA TUBIG-BAHA SA FRANCE



Namataan ang isang lalaki na nagpa-paddle sa kaniyang surfboard sa gitna ng tubig-baha na dala ng matinding buhos ng ulan sa Bayonne, southern France.

Sa isang ulat, sumabog ang Nive River nitong Huwebes dahilan ng malawakang pagbaha sa lugar. Nananatili pa ding baha ito kinabukasan kung kaya’t inabisuhan ng mga awtoridad ang mga residente na maging mapagmatyag sa weekend.

Napag-alamang inilagay sa red flood alert ang anim na departamento sa southern France. Ngunit nitong Biyernes ay ibinaba ito sa orange na nagpapahiwatig na ang antas ng tubig ay bababa muli.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog