Nagsagawa ng joint maritime exercises ang armed forces ng
limang bansa sa bahagi ng South China Sea nitong Sabado.
Ito’y matapos na magkaroon ng sariling military drills
ang China sa pinagtatalunang karagatan.
Kabilang sa exercises ang Pilipinas, Estados Unidos, Australia,
Japan, at sa kauna-unahang pagkakataon ay nakasama rito ang New Zealand.
Ayon sa armed forces ng Pilipinas, ginawa ang maritime
exercises sa exclusive economic zone ng Manila at naglalayong i-improve ang
interoperability ng mga militar.
Kaugnay nito, kasama sa naturang maritime exercises an
warship ng Pilipinas, United States’ USS Howard, Japan’s JS Sazanami, at New
Zealand’s HMNZS Aotearo.
Ang naturang aktibidad ay mula sa sunod-sunod na engkwentro
sa himpapawid at karagatan sa pagitan ng Pilipinas at China na nagtatalo sa
pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea kabilang na ang Scarborough Shoal.
Napag-alaman na halos mahigit isang dekada nang inookupahan
ng China Coast Guard ang Scarborough Shoal.
0 Comments