CJ OPIAZA NG ZAMBALES, KINOROHAN BILANG MISS GRAND PHILIPPINES 2024

 


Tinanghal na Miss Grand Philippines 2024 ang beauty queen ng Zambales na si CJ Opiaza.

Ginanap ang coronation night ng naturang pageant nitong Linggo sa Newport World Resorts sa Pasay City.

Maliban sa korona ay nag-uwi din ng limang special awards kabilang na ang Best in Swimsuit si Opiaza.

Nakatakda namang lalaban para sa Pilipinas si Opiaza sa paparating na Miss Grand International 2025 sa Oktubre 25 sa Bangkok, Thailand.

Napag-alaman na bago nito makuha ang titulo ay naging first runner-up din si Opiaza sa Miss Universe Philippines 2023.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog