“I GAVE UP TO FOLLOW JESUS”
Matapos ang dalawang season, opisyal nang nagretiro sa
NBA ang 21-anyos na forward ng Houston Rockets team na si AJ Griffin.
Nitong Sabado, inanunsyo ni Griffin sa isang YouTube video
ang kaniyang pagretiro mula sa NBA upang ipagpatuloy ang intensyong mag-“full-time
ministry”.
"I gave up basketball to follow Jesus," saad
nito sa video. "I know that in a lot of people's eyes, that seems like a
loss. But I just wanted to let you guys know that I'm super excited because I
truly get to serve God", dagdag pa ng basketball player.
Si AJ Griffin ay dating Duke Blue Devil at naging No.16
sa overall pick sa 2022 NBA draft para sa Atlanta Hawks.
Iginugol nito ang kaniyang 2 season sa Atlanta, sa score
na 7.5 points at 1.9 rebounds mula sa 92 contests.
Nitong offseason, ipinalit si Griffin sa Rockets sa isang
three-team deal sa Atlanta at sa Miami Heat kung saan No.43 ito sa overall pick
ng ngayong taong draft; si Nikola Djurisic sa Hawks at Pelle Larsson sa Miami.
Samantala, sa pag-alis ni Griffin ay muling binuksan ang
isa pang roster spot para sa Rockets.
0 Comments