TV WEATHER REPORTER SA ATLANTA, NAANTALA ANG LIVE REPORT SA BAGYONG HELENE


 

Hindi naituloy ng isang TV weather reporter sa Atlanta ang kaniyang live report tungkol sa bagyong Helene nang mapansin nito ang isang babae na na-stranded sa sasakyan mula sa tumataas na pagbaha.
Sa video, makikitang nakatayo sa ulan ang FOX Weather meteorologist na si Bob Van Dillen at iniulat ang pag-drive ng isang babae sa baha.
Tumawag naman aniya ito sa 911 at maririnig ang pagsigaw ng tulong ng babae.
Sinubukan pang pakalmahin ni Dillen ang babae hanggang sa sinabi nito sa harap ng camera na “It’s a situation. We’ll get back to you in a little bit. I’m going to see if I can help this lady out a little bit more you guys.”
Dito na nakita si Dillen na nilusob ang lagpas bewang na baha habang akay-akay sa likod ang babaeng kaniyang nirescue mula sa papalubog na sasakyan.
Sa isang panayawm, sinabi ni Dillen na bibitawan nito ang lahat upang tumulong.
“I took my wallet out of my pants, and I went in there, waded in, got chest deep,” ani Van Dillen.
“She was in there, she was still strapped into her car and the water was actually rising and getting up into the car itself, so she was about, almost neck deep submerged in her own car,” dagdag pa nito.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog