MALACAÑANG PINABULAANAN ANG UMANO’Y VIDEO NA NAG-ABOT NG DRUG SI PBBM

 


Pinabulaanan ng Presidential Communications Office (PCO) ang panibagong video na gumagamit umano si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng ilegal na droga.

Sa kumakalat na viral video, ipinapakita nito ang pagtanggap ni Pangulong Marcos ng isang bagay mula sa isang supporter habang nagpo-pose ng selfies sa isang public event dahilan para mabuo ang mga spekulasyon na nakatanggap ito ng isang sachet ng illicit drugs.

Inakusahan ng mga kritiko ni Marcos na ang naturang bagay na iniabot sa kaniya ay naglalaman ng “white substance” kung kaya’t agad siyang pinaulanan ng mga negatibong komento dahil sa walang pag-aalinlangang pagtanggap nito ng narcotics.

Ngunit, agad naman itong nilinaw ng PCO na ang bagay na iniabot sa Pangulo ay isang lapel pin na laman ang logo ng kaniyang Partido Federal ng Pilipinas, at hindi ang ipinagbabawal na mga droga.

Kaugnay nito, hinikayat ng PCO ang publiko na dapat alamin ang buong kwento sa likod ng naturang videos at suriin ang mga detalye.

Nananawagan pa ang PCO sa publiko na “think critically, share responsibly” at sumali sa paglaban kontra sa mga fake news.

Dahil dito, nagbabala ang PCO na mahaharap sa kaparusahan ang mga taong nasa likod ng nag-viral na video dahil sa paglabag sa Cybercrime Prevention Act.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog