TRAILER NG ZOMBIE FILM NG PILIPINAS, HINANGAAN NG NETIZENS

 


Napabilib ang mga netizens sa inilabas na trailer ng kauna-unahang Pinoy zombie film na may pamagat na “Outside”.

Nakuha ng dalawang minutong trailer ang perpektong balanse para sa mga pasilip na nakakatakot na eksena habang pinanatili ang kuryosidad ng mga viewers sa kung anong dapat na abangan.

Humanga naman ang mga Pinoy sa cinematography at soundtrack ng naturang pelikula na mailalarawan pang "Parang international film. Amazing."

Umaasa ang mga netizens na hindi ito matutulad sa isang tipikal na classic movie trap kung saan maganda lang ang pagkakagawa ng trailer ngunit kabaliktaran sa kabuuang pelikula.

Ang “Outside” ay pinabibidahan nina Marco Masa, Aiden Patdu, Sid Lucero, at Beauty Gonzalez sa direksyon ni Carlo Ledesma.

Umiikot ang kwento ng “Outside” sa isang pamilya na pumunta sa isang isolated farmhouse upang makatakas sa zombie outbreak.

Samantala, nakatakda itong ipapalabas sa Netflix sa Oktubre 17.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog