PDP LABAN, INILABAS ANG MGA KANDIDATONG TATAKBO PARA SA 2025 MIDTERM ELECTIONS



Inanunsyo na ng PDP Laban ang kanilang magiging pambato para sa paparating na senatorial elections sa 2025 nitong Biyernes sa Davao City.

Kabilang sa mga tatakbo sa ilalim ng partido ay ang mga re-electionists na sina Senador Bong Go at Bato dela Rosa.

Kasama rin sa senatorial lineup ng partido ang aktor na si Philip Salvador.

Magiging campaign manager naman ng Partido si Senador Robin Padilla.

Ang naturang pagtitipon ay dinaluhan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at anak nitong si Davao City Mayor Sebastian Duterte.

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog