Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang
pamamahagi ng 28 mobile clinics sa rehiyon ng Mindanao ngayong araw ng Biyernes,
Setyembre 20.
Nilalaman ng bawat clinic ang xray, ultrasound, at
laboratory equipment na nakatakdang isakay sa barko upang maihatid sa Mindanao.
Nauna nang nakatanggap ng naturang mobile clinic ang
rehiyon ng Luzon at Visayas.
Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, plano ng ahensya
na magkaroon ng karagdagang 20 pang mobile clinics sa NCR habang nagsasanay na
ang mga itatalagang health workers para mangasiwa ng mga ito.
Napag-alaman na mayroon nang kabuuang 82 mobile clinic
ang naipamahagi sa buong bansa.
0 Comments