THAILAND, INILUNSAD ANG BAGONG VISA UPANG MAKA-ATTRACT NG DIGITAL NOMADS

 


Ipinakilala ng Foreign Ministry ng Thailand ang kanilang bagong Destination Thailand Visa (DTV) bilang paraan sa pag-attract ng mga foreign nationals na magtrabaho ng malayuan habang bumabyahe sa ibang bansa.

Ayon kay Foreign Minister Maris Sangiampongsa, dinisenyo ang DTV upang matugunan ang kagustuhan ng mga digital nomad na nagnanais ma-extend ang kanilang pananatili sa Thailand.

Sa pamamagitan aniya nito, makakatulong ang mga ito sa lokal na ekonomiya ng Thailand sa pamamagitan ng pagtangkilik sa mga negosyo ng Thai, restaurants, hotels at tourist attractions.

Sinabi pa ni Sangiampongsa na sinumang mag-apply ng DTV ay mai-enjoy ang hassle-free na experience na may mas pinasimpleng proseso sa visa application at extended stay options.

Pinapayagan ang bawat indibidwal na mayrong DTV na manatili hanggang 180 araw sa tuwing pagbisita nito at ang posibilidad ng pagpapalawig pa ng panibagong 180 araw.

Samantala, layunin ng naturang inisyatibo na humikayat ng marami pang turista na bumisita sa rehiyon at alinsunod na din sa “Six Countries, One Destination” scheme ng gobyerno upang i-promote ang Thailand bilang regional tourism hub.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog