Nananawagan ang food manufacturers at bakers sa
Department of Trade and Industry ng taas-presyo sa mga de lata at tinapay dahil
sa nagmamahalang presyo ng mga sangkap nito.
Sa ulat, nais isulong ng Sardines Association of the
Philippines ang dagdag na P3 sa bawat lata ng sardinas.
Habang, hirit naman ng PhilBaking na magtaas ng P5 sa
presyo ng Pinoy tasty bread at pandesal matapos ang mahigit isa’t kalahating
taon na fixed prices sa gitna ng nararanasan umanong hirap ng bakers sa
pag-subsidize sa presyo ng abot-kayang tinapay.
Inihayag naman ng Department of Trade and Industry na
binubusisi nito ang posibilidad ng dagdag-presyo sa 60 iba’t ibang produkto.
0 Comments