4 SUGATAN NANG PAPUTUKAN NG MGA PULIS ANG ISANG LALAKING MAY HAWAK NA KUTSILYO SA BROOKLYN TRAIN STATION


Sugatan ang apat na indibidwal sa isang insidente sa Brooklyn train station nang paputukan ng mga pulis ang isang lalaki na may hawak na kutsilyo.

Ayon sa awtoridad, tinamaan ng bala ang mga biktima kabilang na ang dalawang inosenteng bystanders nang kinompronta ng mga pulis ang isang lalaki na hindi pa nakakapagbayad ng pamasahe.

Isa sa mga pasaherong biktima ay nasa kritikal na kondisyon matapos na lumusot ang bala sa isang adjoining subway car at tinamaan ito sa ulo.

Sinasabing mayroong komprontasyon sa pagitan ng mga pulisya at ng lalaki hanggang sa napansin nila na may dala-dala itong kutsilyo.

Sinubukan ng lalaki na sugurin ang mga pulis sa hawak nitong kutsilyo ngunit mabilis na umaksyon ang pulisya at pinaputukan ito ng ilang beses.

Napag-alaman na ang naengkwentrong lalaki ay inilalarawang “career criminal” dahil sa 20 beses na pagkakaaresto at may history din ito ng mental illness.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog