Inanunsyo ng international singer na si Taylor Swift ang
kaniyang pagpanig kay Kamala Harris sa pagkapangulo sa US.
“I'm voting for @kamalaharris because she fights for the
rights and causes I believe need a warrior to champion them,” ani sa post ng
singer.
Tinawag din niyang “steady-handed, gifted leader” si
Harris.
Naniniwala pa si Taylor Swift na maraming magagawa ang
Estados Unidos kung pamumunuan sila ng taong kalmado at hindi ng gulo.
Kinabiliban din ni Swift ang pagpili ni Harris ng
kaniyang bise-presidente na si Minnesota Governor Tim Walz na tumatayo para sa
karapatan ng mga LGBTQ+ IVF, at karapatan ng kababaihan sa sarili niyang
katawan sa loob ng ilang dekada.
Nabanggit din nito na nasa tao na ang pagpapasya kung
sino ang kanilang napupusuan na mamuno sa naturang bansa.
Pinaalalahanan pa ni Swift ang publiko lalung-lalo na sa
mga first-time voters na agad magpa-rehistro at bumoto ng maaga kasabay ng
pagbahagi nito ng link kung saan maaaring magparehistro.
0 Comments