Nakuha ni Australian Olympic breakdancer Rachael Gunn ang
unang pwesto sa buong mundo ng sports governing body.
Batay sa inilabas na world ranking list ng World DanceSport
Federation na na-secure ni Gunn ang ang kaniyang pwesto matapos itong maging
first place sa 2023 Oceania Continental Championships.
Ngunit sa kabila nito ay maraming netizens ang nagtaka
matapos itong mag-viral dahil sa hindi ito nakakuha ng anumang puntos mula sa
mga hurado ng kamakailang Paris Olympics.
"Raygun ranked world number one after Paris Olympics
controversy — how funny is this? World no 1???!!!," saad ng isang
netizen sa X (dating Twitter).
Nilinaw naman ng federation na ang naturang ranking ay
updated batay sa top four performances ng bawat atleta sa loob ng nakaraang 12
buwan. Kung saan, ang bawat puntos na naipon sa mga kumpetisyon ay valid sa
loob ng 52 weeks mula sa kanilang performance date.
Hindi naman kasali dito ang Paris Games, Olympic
qualifier events sa Shanghai, China, at Budapest, Hungary.
Samantala, nakatakda namang magbabago ang ranking matapos
na mag-expire ang mga puntos at pagkatapos ng World DanceSport Federation's
Breaking para sa Gold World Series sa buwan ng Oktubre.
0 Comments