Planong magbukas ng bagong terminal sa Godofredo P. Ramos Airport sa Caticlan ang San Miguel Corp. (SMC) para sa mas malaking gateway patungo sa isla ng Boracay.
Ayon kay SMC chair at CEO Ramon Ang, inaasahan ng mga
byahero ang mas kalidad na serbisyo at operasyon ng bagong terminal na
makaka-accommodate ng hanggang 7-milyon na mga pasahero taun-taon.
Dagdag pa ni Ang na ang bagong Caticlan terminal ay
mayroon nang walong passenger boarding bridges para makapag-accommodate ng
inaasahang pagtaas sa kapasidad kung sakaling makumpleto ang proyekto.
Matatandaan noong 2011 ay nabanggit ng SMC na gagastos
ito ng $300-milyon upang gawing moderno ang Caticlan airport, ang main gateway
sa isla ng Boracay.
Habang, plano ding tayuan ito ng 1.9-kilometer toll
bridge na magkokonekta sa Caticlan at Boracay.
0 Comments