STO. NIÑO WINASAK AT SINUNOG NG SIMBAHAN

 


Sinira at sinunog ang mga rebulto ng Santo Niño sa Diocese of Laoag dahil sa ito umano ay mga ipinagbabawal at hindi aprubado ng Roman Catholic Church.

Ayon sa Diocese of Laoag, kaya sinunog ang naturang mga rebulto dahil sa ang mga ito’y acculturated ng pagan, Feng Sui at occult practices kung saan ihinahalo ito ng iba upang mas madaling maibenta.

Isa rin aniya itong infestation ng mga sacramentals kung kaya’t mas mabuting agad itong isuko.

Nauna nang nagbabala ang Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP) ukol sa mga ibinebentang Sto. Niño na nahaluan ng paganong kasanayan.

Narito ang mga ipinagbabawal na Santo Niño:

1. Santo Niño na APPROVED pero rinitwalan ng mga occultists

2. Santo Niño de la Suwerte, may ibon at may ubas o may lalagyan ng barya

3. Santo Niño de PALABOY

4. Green Santo Niño or Yellow na may belt at sumbrero. Red din minsan.

5. Santo Niño na hubad, isang anting-anting.

6. Santo Niño dela Sacristan.

Samantala, inihayag ng simbahan ang mga aprubadong Santo Niño ay ang mga nasa parokya na venerated, ang Santo Niño sa Cebu at Praga, o anumang may Globo, Scepter, at Korona.

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog