Inilabas na ng Department of Budget and Management (DBM)
ang pondo para sa dagdag-sahod ng mga empleyado sa gobyerno.
Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, naglabas na
ang ahensya ng kabuuang P36.450-bilyon sa lahat ng 308 departamento at ahensya
ng pamahalaan alinsunod sa Salary Standardization Law VI.
Dagdag pa niya, magsisimula ang unang tranche ng salary
increase sa mga retroactive mula Enero 1, 2024 kasunod ng kautusan na
ipinalabas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Samantala, sinabi ng DBM na naglaan ito ng P70 billion sa
panukalang national budget para sa 2025 para ipatupad ang unang two tranches ng
umento sa sahod ng mga government worker, sakop ang mga taon na 2024 at 2025.
0 Comments