Dinagdagan ng gobyerno ang vacation service credits
(VSCs) para sa mga guro mula sa dating 15 na araw ay magiging 30 araw na.
Ito ay upang maipaabot ang kanilang mga hiling at matiyak
ang saktong bayad sa kanilang dagdag na trabaho.
Sa pahayag ng Department of Education (DepEd), ang binagong
kautusan ay para sa mga incumbent teachers na may at least isang taong
pagseserbisyo, gayundin sa mga bagong hire na mga guro na itinalaga sa loob ng
apat na buwan pagkatapos ng pagsisimula ng mga klase.
Dagdag pa rito, makakatanggap naman ng 45-araw na VSCs
kada taon ang mga bagong tanggap na guro kung saan ang kanilang appointment ay
inisyu apat na buwan pagkatapos ng pagsisimula ng klase.
Ayon pa sa ahensya, ang VSCs ang kanilang nakikitang
solusyon at tulong para sa mga guro na nagtuturo sa pampublikong paaralan na nagseserbisyo
pa rin sa panahon ng summer o long vacation, Christmas vacation, weekends, at
holidays, at para sa mga teaching overload.
0 Comments