Inanunsyo ni Jonathan Meijer na gumagawa na ito ng legal
action laban sa isang dokumentaryo na kaniyang mailalarawang isang
paninirang-puri at sa mga pamilyang kaniyang tinulungan.
Si Meijer ay isang Dutchman na naging ama ng 550 na mga
bata sa pamamagitan ng sperm donation.
Nang mapanood ang nag-hit na dokumentaryo sa Netflix kung
saan itinampok ang kaniyang kwento na may pamagat na “The Man With 1,000 Kids”
ay inilalarawan niya itong “sensationalist”.
Pinabulaanan din ni Meijer ang bilang ng mga batang nasa
dokumentaryo na kaniyang masasabing anak. Sa halip, nilinaw nitong nasa 550 at
hindi 3,000 ang bilang ng kaniyang mga anak.
Dahil dito, naghain ito ng reklamo laban sa Netflix at
nagnanais na alisin ang naturang dokumentaryo para sa kapakanan ng mga bata na
nakikilala sa lansangan.
0 Comments