PILIPINAS, WAGI NG ILANG PARANGAL SA WTA 2024


Nanalo ng ilang mga awards ang Pilipinas sa ngayong taon na World Travel Awards Asia edition na ginanap sa bansa sa kauna-unahang pagkakataon.

Kinilala ang bansa bilang Asia’s Leading Beach Destination, Asia’s Leading Dive Destination at Asia’s Leading Island Destination para sa taong 2024.

Ito na ang ikapitong beses na nanalo ang bansa bilang Asia’s leading beach destination magmula noong 2013, at ikaanim nab eses bilang Asia’s leading dive destination mula noong 2019.

Nagwagi ang Boracay bilang Asia’s Leading Luxury Island Destination 2024; Cebu bilang Asia’s Leading Wedding Destination 2024; at Intramuros na kinilala bilang Asia’s Leading Tourist Attraction 2024.

Nanalo din ang “Love the Philippines” campaign na inilunsad sa kalagitnaan ng taong 2023 bilang Asia’s Leading Marketing Campaign 2024.

Nakatanggap din ng “Special Award for Transformational Leadership in Tourism” si Tourism Secretary Christina Garcia-Frasco.

Ang World Travel Awards Asia and Oceania Gala Ceremony ay ginanap sa City of Dreams Manila sa Parañaque City nitong Martes.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog