STUDENT NURSE, INULAN NG BATIKOS NANG I-POST ANG ISANG SENSITIVE VIDEO SA OSPITAL



Viral ngayon ang isang Pinay student nurse dahil sa kaliwa’t kanang pamba-bash ng mga netizens matapos kunan ang isang sensitive video sa ospital.

Kinilala itong si Juilliana Villafuerte, isang content creator at student nurse.

Sa video, ipinakita ni Villafuerte ang isang clip na may text na “a patient flatlined”. Bagama’t hindi nito ibinunyag ang pangalan at mukha ng pasyente, maraming netizens ang umalma lalo na’t masyadong umano itong personal at kawalan ng galang sa nasabing pasyente at pamilya nito.

Dagdag pa rito, nilalaman din ng video ang pagpapaliwanag ni Villafuerte ukol sa karaniwang kinahinatnan ng buhay ng tao, kung gaano ito kabilis pumanaw. “The patient’s family members came to the ER weeping and that’s when it hit me, how life is just so short.”

Ngunit, sa kabila nito ay maraming netizens ang nadismaya sa kaniyang napiling ibahagi sa social media.

Tampok pa sa video ni Villafuerte ang pag-iyak nito nang alalahanin ang mga pinagdaanang hirap sa trabaho subalit sinundan naman ito ng mga sensitive footages.

Kaugnay nito, nakatanggap ito ng kritisismo at binansagan siyang “Flatline Queen”.

Samantala, ayon sa mga ulat, isang reklamo ang isinampa ng isang netizen kasama ang PRC laban kay Villafuerte sa paglabag sa nursing ethics.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog