Pinabulaanan ni Erwann Heusaff ang mga usap-usapang
hiwalay na umano sila ng kaniyang asawang si Anne Curtis.
Nag-umpisa ito sa isang blind item tungkol sa dalawang
showbiz personality na umano’y hiwalay na.
Nakasaad pa sa blind item na mag-asawa ang dalawa.
Bagamat hindi raw artista ang lalaki, kilalang-kilala ito
sa showbiz dahil sa kanyang misis na sikat namang artista.
Maraming netizens naman ang nagbigay ng komento na ang
naturang blind item ay sina Erwan at Anne.
Mas lalo pa itong pinag-usapan ng mapansin ng ilang
netizen na hindi suot ni Erwan ang kanilang wedding sa isa sa kaniyang
Instagram post.
Gayundin, wala rin ito sa mga lakad ng kaniyang mag-ina.
Ngunit, agad naman itong pinabulaanan ni Erwan at
nagpahayag na hindi dapat aniya naniniwala ang mga netizens sa mga balitang
mula sa mga ramdom accounts sa Facebook.
Depensa naman ng netizen, hindi siya masisisi ni Erwan
dahil sanay itong makita ang mister ni Anne na laging suot-suot ang kanyang
wedding ring.
Sa kabila nito, bago pa magkomento si Erwan ay naglabas
na ng pahayag si Jasmin Curtis-Smith ukol sa spekulasyon sa kaniyang kapatid at
asawa nito na kaniyang ding pinabulaanan.
Binigyang-linaw nito isang “fake news” ang kumakalat na
rumors sa kaniyang kapatid at asawang si Erwan.
Matandaang ikinasal sina Erwan at Anne noong 2017 sa New
Zealand makalipas ang anim na taon nilang pagiging
magkasintahan.
0 Comments