Paparusahan na ang sinumang nanonood at mayroong sexually
explicit deepfake na mga larawan at videos matapos na magpasa ng panukalang
batas ang mga mambabatas ng South Korea nitong Setyembre 26.
Ito’y sa kabila ng insidente sa South Korea sa isang
Telegram group chats kung saan naroroon ang mga sexually explicit at illegal
deepfakes na ipinapakalat pa dahilan na agad itong tinugunan.
Kaugnay nito, kasalukuyang umiiral ang pagpaparusa ng
hanggang limang taong pagkakakulong sa sinumang gumagawa ng sexually explicit
deepfakes na may intensyong ipakalat ito. Gayundin, pagmumultahin din sila ng
50-milyon won sa ilalim ng Sexual Violence Prevention and Victims Protection
Act.
Nakasaad pa sa panukalang batas na haharap ng hanggang
tatlong taong pagkakakulong o pagmumultahin ng 30-milyon won ($22,600) ang
sinumang mag-save at manonood ng naturang mga larawan at videos.
Kung sakali na ito ay maisabatas, ang maximum na parusa
para sa nasabing krimen ay tataas pa ng hanggang pitong taong pagkakakulong
anuman ang intensyon.
Sa ngayon ay hinihintay nalang ang pag-apruba ni
Pangulong Yoon Suk Yeol upang ito’y maipatupad sa bansang South Korea.
0 Comments