Alam niyo ba na sa halip na kulay dilaw ang egg yolk ng
isang manok ay nangingitlog din pala ito ng puting egg yolk?
Naging viral sa social media ang larawan ng isang all-white
na itlog sa Japan kung saan marami ang nagduda kung ito ba ay totoo o gawa-gawa
lang.
Sa post ni Junko, malinaw na tunay na puting egg yolk ang
makikita nang kaniyang hatiin sa gitna ang isang boild egg at hindi dilaw.
Ang naturang itlog ay tinatawag na “Shirotama” na
ipino-produce ng isang farm sa Nakamura Horticultural Farm sa Itoman City,
Okinawa, Japan.
Sinasabing binibigyan ng mga supplement ang pagkain ng
manok sa naturang farm dahilan na puti ang egg yolk nito.
Napag-alaman na ang nasabing itlog ang ginagamit sa paggawa
ng white Omurice (rice omelet).
0 Comments