Ganap nang batas sa Thailand ang same-sex marriage
matapos itong lagdaan ng hari, ayon sa official Royal Gazette.
Nauna nang binigyan ni King Maha Vajiralongkorn ng royal
assent ang bagong batas na ipinasa ng parliamentary at iiral sa loob ng 120-araw.
Dahil dito, kikilalanin na ang Thailand bilang unang
bansa sa Southeast Asia at pinakamalaking bansa sa Asya na kumikilala sa
marriage equality.
Ang Thailand ang ikatlong bansa sa Asya na pinapayagan
ang pagpapakasal ng mga couples magkapareho ang kasarian, kasunod ng Taiwan at
Nepal.
0 Comments