73-MILYON NG BALOTA, NAKATAKDANG I-PRINT PARA SA 2025 ELECTIONS



Aabot hanggang 73-milyon ng balota ang nakatakdang i-print para sa 2025 midterm elections at sa unang parliamentary polls sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ayon kay Comelec Chairman George, mula sa 73 milyon na balota, 2 milyon dito ay para sa BARMM elections.

Isang milyon naman ang gagamitin na test ballots para sa information campaign ng poll body sa automated counting machines.

Sinabi pa ni Garcia na handing mag-print ng karagdagang balota ang Comelec depende sa magiging resulta ng nagpapatuloy na voter registration.

Samantala, nitong Setyembre 24 ay personal na ininspeksyon ni Garcia ang bagong naipadalang mga machines para sa pag-print ng mga balota sa National Printing Office (NPO).

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog