PWERSA NG ISRAELI, NI-RAID ANG AL JAZEERA WEST BANK OFFICE; INUTUSANG IPASARA SA LOOB NG 45-ARAW


Ni-raid ng mga pwersa ng Israeli ang opisina ng Al Jazeera sa Ramallah sa inookupahang West Bank nitong Linggo.

Ayon sa sundalong Israeli, naglabas aniya ng utos ang korte na isara ang Al Jazeera sa loob ng 45 araw.

Makikita sa footage ang mga armado at nakamasked na tropa ng mga Israeli na sumalakay sa opisina.

Sinabi naman ng Qatari broadcaster Al Jazeera na walang ipinakita ang naturang mga sundalo na dahilan para sa closure order.

Nitong nakaraang linggo, inanunsyo ng gobyerno ng Israel ang pagbawi sa press credentials ng Al Jazeera journalists sa bansa, apat na buwan matapos ang pag-ban sa naturang channel sa loob ng Israel.

Hindi naman apektado sa pag-shut down ang West Bank o Gaza Strip na kung saan dito ay patuloy na kinukunan ng Al Jazeera ang nangyayaring labanan sa pagitan ng Israel at militanteng Palestinians.

Kaugnay nito, paulit-ulit na inakusahan ng mga militar ng Israel ang mga journalist sa Qatari network ng pagiging “terrorist agents” sa Gaza na kasabwat ng Hamas o ang kaanib nitong Islamic Jihad.

Ang Al Jazeera ay isang news channel na pinapatakbo ng Al Jazeera Media Network at pinopondohan ng pamahalaan ng Qatar.

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog