POLAR BEAR, NABARIL-PATAY NG ISANG PULIS


Naispatan sa labas ng isang cottage sa isang remote village sa Iceland ang walang-buhay na pambihirang polar bear matapos itong mabaril ng isang pulis dahil sa umano’y pagiging banta nito sa mga residente.

Sa ulat, pinatay ang polar bear nitong Huwebes ng hapon sa northwest ng Iceland matapos na konsultahin ng pulisya ang ahensya ng Environment na tumangging ilipat ang naturang hayop.

Sinabi ni Westfjords Police Chief Helgi Jensson na hindi nila ginusto ang nangyari at isang uri lamang ng defense ang kanilang ginawa dahil sa ito’y malapit sa summer house kung saan naroroon ang isang matandang babae.

Dagdag pa nito na nag-iisa ang may-ari ng summer house, kung kaya’t nang makita nito ang isang polar bear na naghahalungkat sa kaniyang basurahan ay nakaramdam ito ng takot dahilan na agad nitong ikinulong ang sarili sa ikalawang palapag ng kaniyang bahay.

Pagkatapos ay mabilis niyang tinawagan ang kaniyang anak sa pamamagitan ng satellite link at humingi ng tulong.

Ang mga polar bear ay hindi taga-Iceland ngunit paminsan-minsan ay dumarating sila sa pampang matapos ang kanilang pagbyahe sa isang ice floes mula sa Greenland.

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog