FILIPINA LAW STUDENT, NAGTAPOS BILANG MAGNA CUM LAUDE SA ISANG UNIBERSIDAD SA UK



Isang karangalan hindi lang sa pamilya ni Maria Maxene Marcos Gerella kundi pati na sa buong Pilipinas ang nakamit nitong tagumpay at pagkilala sa ibang bansa lalo na sa academe.

Ipinagmamalaking ibinahagi ng kaniyang ina na si Seraphim Gerella ang ipinakitang husay ng kaniyang anak sa United Kingdom na nag-aral ng Bachelor of Laws.

Sa ulat, hindi lang napagtagumpayan ni Maria Maxine ang kaniyang pag-aaral sa abogasya kundi nagtapos din ito na Honours - Class II Division I o Magna Cum Laude sa University of Leeds sa UK.

Bago ito, nauna nang nakakuha ng Principal Award o Valedictorian si Maria Maxine sa Doha British School sa Qatar. Naging taop 1% din ito sa International General Certificate of Secondary Education (IGCSE) sa buong mundo.

Sa ngayon ay nagtatrabaho na bilang Paralegal si Maria Maxene sa National Health System (NHS) sa Leeds City, UK.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog