PULIS AT ASAWA NITO, PATAY SA PAMAMARIL; 11-ANYOS NA ANAK, SUGATAN


 

Patay ang isang police captain ng Muntinlupa City Police at asawa nito sa nangyaring pamamaril sa loob mismo ng kanilang bahay sa Barangay Alabang nitong Lunes, dakong ala-1:00 ng madaling araw.

Sa ulat, hindi umano naka-lock ang pinto ng bahay ng biktima dahilan na madaling nakapasok ang suspek. Natutulog naman sa ikalawang palapag ang mag-asawa nang barilin sa ulo ng suspek ang pulis habang tama sa iba’t ibang katawan ang tinamo ng asawa nito.

Hindi pa malinaw kung sino ang target ng suspek sa mag-asawa lalo na’t ang tanging motibo lang nito ay mamaril dahil lumalabas sa imbestigasyon na wala namang nagalaw sa mga gamit ng biktima.

Matapos ang krimen ay agad na tumakas papalayo ang suspek.

Sinasabing walang nakaaway ang mga biktima kung kaya’t ipinagtataka ang nangyaring pamamaril.

Agad namang kinondena ni Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon ang pamamaslang.

Samantala, isasailalim naman sa operasyon ang 11-anyos na anak ng mag-asawa matapos itong magtamo ng sugat sa loob sa may parte ng lalamunan.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog