Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng FBI sa
nangyaring pamamaril sa Trump International Golf Course sa West Palm Beach,
Florida nitong Linggo, Setyembre 15.
Sa ulat, nasa kalagitnaan ng paggo-golf si Republican
presidential candidate Donald Trump sa kaniyang resort nang mangyari ang
insidente.
Sinasabing ito ang panibagong pagtatangka ng pagpatay kay
Trump, ayon sa FBI.
Sa isang press conference, ipinahayag ng mga opisyal na
namataan ang gunman sa mga damuhan malapit sa property line ng golf course
habang nililinis ng mga Secret Service agents ang butas sa kung saan naglalaro
si Trump, dito natagpuan ang isang rifle barrel.
Mabilis namang pinaputukan ng mga agents ang naturang
gunman ngunit mabilis itong nakatakas sakay ng isang itim na sasakyang Nissan.
Naiwan naman ng gunman ang kaniyang rifle, dalawang
backpack at iba pang gamit.
Agad namang nagpadala ng alerto sa mga statewide agency
ang awtoridad ukol sa sasakyang gamit ng suspek na mabilis namang natunton ng
isang sheriff ang suspek na nasa highway.
Samantala, sinabi ni Trump sa kaniyang pangangampanya na
siya’y ligtas mula sa nangyaring insidente.
0 Comments