2 INDIBIDWAL, NI-RESCUE MATAPOS MA-STRANDED SA GITNA NG DAGAT



Agad na ni-rescue ng Coast Guard Station (CGS) Central Palawan ang dalawang indibidwal na sakay ng isang motor yacht sa tinatayang 2-nautical miles mula sa Puerto Princesa Port sa Palawan.

Nakilala ang mga indibidwal na si Alan John Lowry, 68-anyos na banyaga mula sa New Zealand at 23-anyos na Filipina na si Andrea De Ocampo.

Ayon sa CGS, naabutan sina Lowry at Ocampo ng banta ng masamang panahon at sumabay din ang pagkawalan ng gasolina habang naglalayag mula sa Kota Kinabalu, Malaysia papuntang Palawan.

Mabilis namang umaksyon ang rescue team at in-escort ang naturang motor yacht patungong Puerto Princesa Anchorage.

Samantala, nasa mabuting kalagayan na ang dalawa nang nilisan nila ang Puerto Princesa Anchorage.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog