Nakatakdang ipapakila ang Pilipinas ang bagong produkto
ng turismo na ginawa ng isang Pinoy, ang bonfire diving.
Ibinunyag ni Tourism Promotions Board Chief Operating
Officer Maria Margarita Nograles sa ginanap na Philippine Travel Exchange sa
Pasay na aabangan ang pagsali ng Tourism department sa pinakabago at kakaibag
bonfire diving sa listahan ng tourism products.
Ang bonfire diving ay binuo ng diving photographer na si
Ram Yoro noong 2015 at sinabing dinarayo ito ng ilang mga dayuhan at
photographers nitong mga nakaraang taon.
Ito ay tumutukoy sa pagsisid sa gabi sa mababaw na tubig
na may liwanag upang maakit ang mga plankton at iba pang mga species, na kung
saan ay nakakaganda para sa diving photography.
Dagdag pa dito, walang literal na apoy na ginamit sa
diving bonfire kundi mayroong mga naka-setup na ilaw sa ilalim ng tubig upang magbigay
liwanag na kagaya ng blackwater diving.
Sinabi pa ni Ram Yoro na mas madali ang bonfire diving at
dapat ay gawin ito sa mababaw na parte ng dagat.
Samantala, nakatakda naman ipapakilala ng pormal ang ‘bonfire
diving’ sa Camiguin Diving Festival ngayong buwan.
0 Comments