Personal na ipapamahagi ngayong araw ng Huwebes, Setyembre
19 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang titulo para sa Agrarian Reform
Beneficiaries (ARBs).
Ito’y kasabay sa pagbisita ng pangulo sa Passi City, Iloilo
ngayong araw kung saan layunin nitong suportahan ang lokal na komunidad at ang
mga benepisyaryo ng agrarian reform.
Kabuuang 2,588 e-titles ang ipapamahagi na sumasaklaw sa lupain
na 2,643 ektarya sa buong isla.
Ayon kay DAR undersecretary Jesry Palmares, kinailangang
ingatan ng mga benepisyaryo ang kanilang e-titles lalo na’t ito ang magsisilbing
pruweba ng land ownership na posibleng maipapasa sa mga susunod na henerasyon.
Maliban dito, personal ding itu-turnover ni PBBM ang nasa
52 patient transport vehicles (PTVs) sa iba’t ibang local government units
(LGUs).
Samantala, papangunahan naman ang naturang aktibidad ng
Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) habang ang pag-turnover ng mga PTV
ay gagawin sa Plaza Paloma.
0 Comments