LIZA SOBERANO, INIWAN ANG CARELESS MUSIC NI JAMES REID



Kinumpirma ng Careless Music na label ni James Reid na wala na sa kanilang pamumuno ang aktres na si Liza Soberano magmula pa noong Hulyo 29, 2024.

Ayon kay James Reid, mailalarawang isang napakamalikhain, ambitious, sweet girl at business-minded si Liza kung kaya’t natutuwa ito na kahit sa sandaling panahon ay nakatrabaho niya ito.

“And we wish her all the best with her career in LA, with all of her international projects, everything she's doing,” sinabi ni Reid.

Sa kabila ng pag-alis ng aktres sa naturang management ay handa pa rin nila itong tatanggapin kung sakaling bumalik ito ng Pilipinas.

Nang tanungin naman si Reid sa posibleng dahilan ng pag-alis ni Liza ay ipinaliwanag nitong may kakaiba silang goal ng aktres at gustong maabot sa buhay.

“We have different, I guess, career paths. She's more focused on her US career, going to Hollywood, all of that. And we're more focused on the Philippines. Music, local.”

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog