Nakatang ibenta na umano ng aktor na si Jericho Rosales
ang kaniyang bahay sa Loyola Grand Villas sa Marikina sa halagang nasa pagitan
ng P80-milyon hanggang P100-milyon.
Sa ulat, wala pang buyer ang all-white, minimalist
property ni Jericho.
Napag-alaman na ito ang bahay na tinirhan ni Echo ng
ilang taon kasama ang dating asawang si Kim Jones.
Kaugnay nito, medyo nahihirapan umano ang broker na
makahanap ng buyer sa may kamahalan ang naturang bahay.
Matatandaang ipinasilip ng arkitektong si Buji Libarnes ang
ilang bahagi ng bahay sa kanyang Instagram page ilang taon na ang nakakaraan.
0 Comments