P300-M NA PONDO, HINIHINGI NG DOTR PARA SA PAG-ASA ISLAND PORT WPS


Humihiling ng P300-milyon na pondo ang Department of Transportation para sa pagpapatayo ng bagong sheltered port sa Pag-asa Island sa West Philippine Sea.

Kasama ang naturang budget sa hinihiling ng ahensya para sa 2025 sa ilalim ng Maritime Infrastructure Program.

Ang Pag-asa Islands ay may tinatayang na 510-kilometro na layo na matatagpuan sa bahagi ng Puerto Princesa, Palawan na may 37.2 ektarya na lawak.

Samantala, patuloy naman ang pagpapalawak sa 1.3 kilometro na runway sa airport nito upang makapag-accommodate ng mas malalaking aircraft.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog