Natagpuang wala nang buhay ang isang 26-anyos na babae sa isang apartment sa Jalandoni Street sa Jaro district nitong Lunes, Setyembre 2.
Kinilala ang biktima na si Jinky Ventura, residente ng
Sara, Iloilo at natagpuang patay sa loob ng kaniyang kwarto sa ikalimang
palapag ng naturang apartment.
Napag-alamang ito’y empleyado ng Commission on Higher
Education Regional Office 6 sa distrito ng La Paz.
Sa ulat, ilang beses na tinatawag ng tenant ang babae na
malapit ding kapamilya nito na umabot pa ng halos isang oras ngunit wala itong
natanggap na sagot.
Dito na tumawag ng tulong ang tenant at nang binuksan ang
kwarto ng 26-anyos ay natagpuan ito na wala ng buhay.
Ayon sa kapamilya ng biktima, hinaing nito ang pananakit
ng ulo na naging dahilan ng pagliban nito sa trabaho.
Samantala, sinabi naman ng security guard ng nasabing
apartment na nakalabas pa aniya ang biktima ng apartment upang bumili ng
pananghalian nito.
0 Comments