Nakapagtala na ng dalawang patay at sampung katao ang sugatan sa pananalasa ng bagyong Enteng at habagat sa bansa.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management
Counci (NDRRMC), ang naturang mga casualties ay naitala mula sa Northern
Mindanao.
Dagdag pa dito, nasa 14 pamilya o katumbas ng 63
indibidwala mula sa tatlong barangay sa Central Visayas ang apektado ng bagyo.
Habang, 43 na mga indibidwal ang agad na inilikas at
dinala sa mga evacuation centers.
Samantala, umabot na din sa mahigit 700 na mga pasahero
ang na-stranded sa ilang mga pantalan kung saan 679 ang sa Bicol at 60 naman sa
CALABARZON.
0 Comments