Ibinahagi ng ina ng isang 26-anyos na empleyado na
naiulat na namatay dahil sa “excessive workload” ang isang heartbreaking na
sulat para sa kumpanya kung saan ipinahayag nito ang sobrang pagkadismaya sa
napaka-‘hustle culture’ at hindi pagdalo sa libing ng kaniyang anak.
Sa kumakalat na sulat online, sobrang nagdadalamhati ang
inang si Anita Augustine sa pagpanaw ng kaniyang anak na si Anna Sebastian Perayil
na nagtatrabaho bilang chartered accountant sa isang accounting firm sa Ernst
& Young (EY) sa Pune, India.
"My heart is heavy, and my soul is shattered as I
pen these words, but I believe it is necessary to share our story in the hope
that no other family will have to endure the pain we are going through," panimula
ng ina.
Ayon pa sa kaniya, nagsimula si Anna sa naturang kumpanya
noong Marso 19 ngayong taon bilang isang executive na puno ng buhay, mga pangarap
at pagkagalak para sa kinabukasan.
Sinasabing, ito aniya ang unang trabaho ni Anna at nakita
nito ang matinding tuwa sa mukha ng anak nang maging parte ng isang
prestihiyosong kumpanya.
Ngunit, makalipas ang apat na buwan, nitong Hulyo 20,
2024 ay ikinagulat ng ina ang biglang pagkawala ng anak sa edad na 26.
"She worked tirelessly at EY, giving her all to meet
the demands placed on her. However, the workload, new environment, and long
hours took a toll on her physically, emotionally, and mentally," ani nito.
Dagdag pa ng ina na nakakaramdam na ng anxiety, kawalan
ng tulog, at stress matapos ang ilang araw ng itong matanggap sa trabaho, pero
sa kabila nito ay naniniwala pa rin aniya ang anak nito na "hard work and
perseverance were the keys to success."
Sa kabila ng nararamdamang chest constriction at
pag-abiso ng kaniyang cardiologist na late na itong kumakain at hindi
nakakatulog ng maayos, tinuloy pa rin ni Anna ang pumasok ng trabaho dahil sa "there
was a lot of work to be done and she wouldn't get leave."
Samantala, naglabas naman ng pahayag ang nasabing
kumpanya sa isyu kung saan ikinalulungkot nila ang sandaling pagpanaw ni Anna.
Binigyang-diin pa ng kumpanya na pahahalagahan nila ang
well-being ng kanilang mga empleyado at patuloy na sosolusyunan na maisaayos at
mabigyan ng healthy workplace ang kanilang 100,000 na empleyado sa buong EY
member firms sa India.
0 Comments