DYESEBEL-INSPIRED LOOK NI AHTISA MANALO, KANIYANG INIRAMPA SA MISS COSMO 2024

 


AHTISA MANALO AS ‘DYESEBEL’

Binigyang-buhay ng Filipina beauty queen na si Ahtisa Manalo ang isa sa mga Pinoy karakter na ‘Dyesebel’ sa kaniyang national costume para sa Miss Cosmo 2024.

Suot ni Manalo ang may katingkaran na kulay kahel at mayroong ala-sirena na silhouette na gown na ginawa ni Ehran Montoya. Nilagyan din ito ng mga dekorasyon na kahalintulad ng isang kaliskis at ang buntot ng isang sirena na ginawang headdress at nilagay sa kaniyang mga braso at kamay na siyang kumumpleto sa kabuuang disenyo ng damit.

Very demure at very graceful namang inirampa ni Manalo ang runway na may mga galaw na katulad ng lumalangoy sa dagat.

Ayon sa beauty queen, ang naturang costume ay bilang pagbibiga-pugay sa mga alamat ng Pilipino at ang contemporary pop culture.

Dagdag pa ni Manalo na hindi lang ito simbolo ng myth at ganda kundi nagrerepresenta din ang Dyesebel ng isang kapangyarihan ng pagkukwento sa paghubog ng pagkakakilanlan ng Pilipino at ng konektadong henerasyon.

Samantala, lumipad patungong Vietnam si Manalo upang i-represent ang Pilipinas sa international na entablado.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog