Ni-rescue ng mga Polish police ang ilang na-stranded na
mga residente sa pamamagitan ng isang helicopter dahil sa matinding pagbaha sa
bayan ng Ladek-Zdroj sa Poland.
Sa ulat, 17 na mga residente ang nai-rescue ng mga
rescuer mula sa apektadong mga lugar ng matinding pagbaha.
Lubos na tinamaan ng pagbaha ang border areas sa pagitan
ng Czech Republic at Poland bunsod ng malakas na buhos ng ulan nitong nakaraang
linggo.
Habang, bumagsak din ang mga tulay dahil sa marahas na
pagragasa ng tubig-baha kung kaya’t napilitan na ang ilan na lumikas.
Kaugnay nito, marami ding mga sasakyan at kabahayan sa
lugar ang nasira dulot ng pagbaha.
Samantala, inanunsyo ng pamahalaan ng Poland na may
inilaan na itong 1-billion zlotys ($260-milyon) bilang tulong sa mga biktima.
0 Comments