Nabulgar sa ikapitong pagdinig ng House Quad Committee na
halos mga kamag-anak ni dating Retired Police Colonel Royina Garma ang hinire
bilang empleyado ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa panahon ng
kaniyang panunungkulan sa ahensya noong 2019.
Kabilang dito ang kanyang mga pinsan, bayaw at hipag ni
Garma na inilagay niya sa PSCO bilang nurse, admin officer, IT consultant,
private secretary, researcher at security detail.
Kinuha din ni Garma bilang confidential agent ng PCSO ang
anak na babae na may special needs at walang taglay na kwalipikasyon para sa
naturang posisyon.
Isiniwalat din sa nasabing pagdinig na ginamit umano ni
Garma ang 2-milyong piso mula sa PCSO para pondohan ang partylist at foundation
na STL o Samahan ng Totoong Larong may Puso.
Samantala, patuloy naman ang pagbusisi ng quad committee ukol
sa pinanggalingan ng pondong ginamit sa ipinamimigay na bahay ng 1st nominee ng
STL Partylist na si Maria Yvonee Cania-Barandong.
0 Comments