CARLOS YULO, NAKA-CROP TOP SA SOUTH KOREA; NETIZENS, UMALMA



Maraming netizens ang umalma sa kakaibang fashion trend setter ng two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo habang ito’y nasa South Korea.

Nagsuot lang naman ito ng crop top shirt na kahalintulad sa suot ng girlfriend nitong si Chloe San Jose.

Kung mapapansin sa larawan ni Yulo na hulmang-hulma ang maskulado nitong pangangatawan kung kaya’t tila nabigla ang mga netizens kita-pusod nito.

May ilan pang nagtanong kung ang nobya nitong si Chloe nga ba 'yung pakana ng soot ng kanyang nobyo.

Ngunit, sa kabila nito ay maraming mga tagahanga ni Yulo ang sinuportadan ang OOTD nito lalo na’t nauuso naman sa Pilipinas ang crop top kaya't hindi dapat husgahan ang Filipino gymnast.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog