LOLA, MASWERTENG NAKALIGTAS MULA SA AHAS NA NAKAPULUPOT SA KATAWAN NITO



Matapos ang halos dalawang oras na engkwentro sa isang ahas, matagumpay itong naialis ng mga rescuer na mahigpit na nakapulupot sa katawan ng isang lola.

Nangyari ang insidente sa loob ng bahay ng biktima sa Samut Prakan sa bansang Thailand.

Sinasabing alas-10:00 ng gabi nang sumisigaw ng tulong ang mga kapitbahay ng 64-anyos na lolang si Arrom Arunroj.

Dito, naabutan ang isang lola na nanghihina na dahil sa mahigpit na pagkakapulupot ng isang ahas na may habang 4-metro at may bigat na 20-kilo sa katawan nito.

Kwento ng biktima, naghuhugas aniya ito ng plato sa likod ng kaniyang bahay malapit sa kagubatan.

Sa kalagitnaan ng kaniyang paghuhugas, nakaramdam ito ng kagat sa kanang bahagi ng hita nito at dito niya nakita ang isang malaking ahas.

Sinubukan nitong hawakan ang ulo ng ahas ngunit nagpumiglas ito hanggang sa gumulong sila sa lupa at dito na pumulupot sa kaniyang katawan ang naturang ahas.

Nagtamo naman ng ilang mga kagat ng ahas ang lola sa ilang bahagi ng katawan kung kaya’t agad itong isinugod sa ospital.

Sa ngayon ay nagpapagaling na sa ospital ang lola.

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog