Naka-enroll na sa Polytechnic University of the
Philippines (PUP) ang 72 persons deprived of liberty (PDLs) ng Manila City Jail
para ipagpatuloy ang kanilang kolehiyo at magkaroon ng degree.
Ayon sa PUP-OUS, kursong Bachelor of Science in Business
Administration major in Marketing Management program ang ini-enroll ng naturang
PDLs kung saan nagsimula na ang kanilang klase nitong Miyerkules, Setyembre 18.
Anila, maituturing itong makasaysayan dahil sa unang
pagkakataon ay binuksan ang synchronous session sa loob ng Manila City Jail –
Male Dormitory sa nabanggit na araw.
Dahil dito, ipagpapatuloy ng nasabing unibersidad ang
planong magsagawa ng synchronous sessions para sa mga estudyanteng PDL upang
matiyak na makatanggap sila ng kaparehong academic support at maipagpatuloy ang
kanilang pangarap sa araw ng kanilang paglaya.
0 Comments