A1 BAND, BABALIK NG PILIPINAS PARA SA KANILANG VALENTINE’S CONCERT SA 2025



Inanunsyo ng Concert Republic na isasagawa sa New Frontier Theater sa Quezon City ang Valentine’s Tour Concert ng sikat na British-Norwegian boy group na A1 band sa Pebrero 15, 2025.

Narito naman ang mga ticket prices para sa mga gustong personal na marinig ang pinasikat na kanta ng banda:

Orchestra VIP - Reserved Seating – P5,750

Orchestra B - Reserved Seating – P5,000

Orchestra C - Reserved Seating – P4,250

Balcony VIP (Loge) - Reserved Seating – P5,250

Balcony 1 (Reserved Seating) – P4,000

Balcony 2 (Reserved Seating) – P3,000

Bubuksan naman sa publiko ang pagbebenta ng tickets sa Oktubre 1, 2024 alas-12 ng tanghali sa iba’t ibang mga ticketing outlets sa buong bansa.

Maaari din itong mabili online sa TicketNet.

Matandaan na nagsagawa ang grupo ng apat na show sa bansa noong Oktubre 2023 kung saan nag-perform sila sa Davao at Cebu na sinundan ng dalawa pang gabi na concert sa New Frontier Theater sa Manila bilang bahagi ng kanilang ika-25 na anniversary tour.

Ang A1 ay binubuo ng apat na miyembro na kinilala kay Paul Marazzi, Christian Ingebrigtsen, Mark Read, at Ben Adam na nagpasikat sa mga kantang "Like a Rose," "Everytime," at "Caught in the Middle."

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog