Kada taon, 25-milyong mga sanggol ang ipinapanganak sa
India, kung saan itinuturing ito na may pinakamataas na populasyon na bansa sa buong
mundo.
Ngunit para sa mga desparadang mag-partner na naghahangad
na maging magulang, dinarayo nila ang sagradong balon ng Hindu upang manalangin
at umaasang matupad ang hiling.
Matatagpuan ang balon ng Lolark Kund sa banal na lungsod
ng Varanasi na kilalang lugar kung saan namamatay ang mga Hindu upang
ipa-cremate ang kanilang mga katawan sa pampang ng sagradong Ganges, na
pinaniniwalaang magiging tiyak ang paglaya nito mula sa cycle ng muling
pagkabuhay.
Subalit, ito rin ang lugar kung saan nagdarasal ang mga
tao para sa panibagong buhay.
Halos ilang siglo na itong isinasagawa sa India bilang
parte ng kanilang tradisyon kasabay ng ngayong linggong selebrasyon ng Lolark
Shasthi.
Dahil dito, libo-libong mga deboto at mag-partner mula sa
iba’t ibang bansa ang nagtitipon-tipon sa sinaunang balon, umaakyat
sa matatarik na hakbang patungo sa madilim na tubig upang maligo.
0 Comments