BACHELOR’S DEGREE SA PAGIGING INFLUENCER, MAKUKUHA NA SA ISANG UNIBERSIDAD SA TEXAS

 


Nag-aalok na ang University of Texas ng bachelor’s degree in digital media influencing para sa mga gustong maging influencer at social media star.

Dito, nakapaloob ang mga topikong tulad ng photo editing at website development pati na ang audience psychology at data analytics.

Ayon kay Chad Mahood, isang associate communication professor at program developer, nais nitong i-adopt ang ideyang media influencing at dalhin ito sa 21st century.

Bagama’t posibleng matutunan ang influencing skills ng mag-isa, iba pa rin aniya na may pinanghahawakang degree na kaugnay dito para sa mas higit na credibility sa mga brands at kumpanya.

Ang naturang kurso ay available online at in-person na kung saan mayroon na itong walong estudyante at inaasahan ang nasa 80 mga indibidwal na mag-eenroll nito.

Samantala, pahayag pa ni Mahood na ang kanilang programa ay higit pa sa social media influencing dahil maaari ring ituloy ng mga nakapagtapos ang iba pang trabaho na may kaugnayan sa content creation, advertising, at public relations.

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog